^

Bansa

Special elections sa Zambo kasado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpalabas na ang Commission on Elections (Comelec) ng calendar of activities para sa gagawing special barangay elections sa Zamboanga City sa darating na Nobyembre 25.

Batay sa Resolution no. 9805 ng Commission en banc, ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa special barangay polls ay itinakda sa Nob. 7 hanggang 13.

Ang panahon naman ng pangangampanya ay sa Nobyembre 15-23.

Nabatid na ang vo­ting hours naman para sa special barangay election ay magsisimula ng 7:00 ng umaga at magtatapos ng 3:00 ng hapon.

Una nang nagdesisyon ang Comelec na ipagpaliban ang halalan sa Zamboanga City matapos ang mahigit dalawang linggong bakbakan sa pagitan ng pwersa  ng pamahalaan at Moro National Liberation Front (MNLF) ni Nur Misuari.

Nagpaalala rin ang Comelec sa mga kandidato na hanggang Dis­yembre 26 lamang ang huling araw ng paghahain ng kanilang statements of election contributions and expenditures.

BATAY

COMELEC

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NABATID

NAGPAALALA

NAGPALABAS

NOBYEMBRE

NUR MISUARI

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with