SC bigo sa TRO vs DAP
MANILA, Philippines - Bigo ang Korte Suprema sa hiling na magpalabas ng temporary restraining order laban sa paggamit ng kuwestiyonableng Disbursement Acceleration Program o DAP Fund.
Sa special en banc session, nagpasya ang mga mahistrado na ipagpaliban ang botohan sa usapin ng pagpapalabas ng TRO laban sa DAP Fund. Mayorya sa mga mahistrado ang pabor na pagbigyan ang hiling ng Office of the Solicitor General o OSG kaugnay sa isinumiteng opposition at manifestation sa hukuman kamakailan.
Sa pleading, hiniling ni Solicitor General Francis Jardeeleza na payagan muna silang makapagsumite ng consolidated comment sa mga petisyong inihain kontra DAP at maidaos ang oral argument bago desisÂyunan ang pagkakaloob ng TRO laban sa programa.
Itinakda ang oral argument sa Nov. 11, 2013. Anim na petisyon na ang naihain sa Korte Suprema laban sa DAP.
- Latest