2016 bet ni PNoy sikreto pa rin
MANILA, Philippines - Inililihim pa rin ni PaÂngulong Aquino kung sino ang magiging kandidato niya sa halalang pampaÂnguluhan sa taong 2016.
Sa Presidential Forum ng Foreign Correspondents Association of the Philippines, tinanggihan ni Aquino na sagutin ang tanong kung sino ang kanyang kandidato sa susunod na halalang pampanguluhan.
Ipinaliwanag niya na ayaw niyang mabato ng mga kritisismo at alegasyon sa natitirang mga taon ng kanyang panunungkulan ang sino mang napipisil niyang pumalit sa kanya sa puwesto.
Gayunman, sinabi ni Aquino na nais niyang ipagpatuloy ng sino mang magiging kandidato niya ang kanyang mga nagawa at higitan pa ang kanyang mga tagumpay.
Si Vice President Jejomar Binay ng oposisyong United Nationalist Alliance (UNA) ay nagdeklara na noon na kakandidato siyang presidente sa 2016.
Hindi pa rin naipapahayag ng makaadmiÂnistrasyong Liberal Party ang magiging manok nito sa 2016 pero may mga usap-usapan na si Interior Secretary Manuel Roxas ang magiging standard bearer ng partido. Tahimik naman sa usaping ito si Roxas.
- Latest