P1B na pinsala ng lindol, 194 death toll
MANILA, Philippines - Umaabot na sa halos P1 bilyon ang pinsala ng 7.2 lindol na tumama sa Central Visayas habang tumaas na rin sa 194 ang death toll.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Undersecretary Eduardo del Rosario, kabilang sa mga naitalang nasawi ay 181 mula sa Bohol, 12 sa Cebu at isa naman sa Siquijor.
Tumaas naman sa 605 ang mga nasugatan habang 11 na lamang ang nawawala mula sa Loon, Sagbayan, Inabanga, Balilihan at Clarin na pawang sa Bohol.
Kabilang naman sa 605 nasugatan ay nasa 511 sa Bohol, 89 sa Cebu at tatlo sa Siquijor at tig-isa sa Negros Oriental at Iloilo.
Ang 7.2 lindol na tumama sa Central Visayas noong Oktubre 15 ay nakaapekto sa 588 ,564 pamilÂya o 2,945,963 katao sa may 1,282 barangay sa 52 munisipalidad, anim na siyudad sa anim na lalawigan sa Region VI at Region VII.
Kabilang sa mga napinsala ay mga tulay, kalsada at pasilidad ng flood control sa Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor na naitala sa P902,730M.
Alas-5 ng umaga kahapon ay nakapagtala na ang Phivolcs ng kabuuang 2,384 aftershocks 57 dito ay naramdaman ng mga residente sa lugar.
- Latest