Sokor trip ni PNoy tagumpay
MANILA, Philippines - Dumating na sa bansa kamakalawa ng gabi si Pangulong Aquino kung saan iniulat agad niya ang kanyang matagumpay na dalawang araw na state visit sa bansang Korea.
Sa kanyang arrival message sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 sa Pasay City noong Biyernes ng gabi, sinabi ng Pangulo na umuwi siyang mas determinado na ipagpatuloy ang mga nasimulang pagbabago sa bansa dahil na rin sa nakita niyang karanasan ng South Korea na dumaan rin sa matinding pagsubok.
“Nakita po natin ang isang bansang dumaan din sa napakatinding pinsala, at ngayo’y talaÂgang tumatamasa na ng kahanga-hangang kaunlaran. Ang matibay ko pong paniniwala: Kung kaya nilang maabot iyon, tiyak ko po, kaya rin itong maabot ng Pilipino,†pahayag ng Pangulo.
Hiniling din ng Pangulo ang suporta ng bawat Filipino na tumulong para sa pagbabago ng bansa.
Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang nakuhang suporta mula kay President Park Geun-Hye para sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay PNoy, nagkaroon sila ng mabungang talakayan ni Park sa mga isyung may kinalaman sa depensa, disaster resÂponse, trade, maritime dispute at sports,
Ilang South Korean companies na ang nagpahayag na maglalagak ng mas malaking negosyo sa Pilipinas katulad ng Hanjin.
- Latest