Pari sa MM pinasaya ng Calata
MANILA, Philippines - May 250 obispo at mga pari ng Simbahang Katoliko ang pinasaya ng Calata Corporation sa isinagawang pagtitipon kamakailan sa lungsod ng Makati.
Ang pagtitipon na dinaluhan ng mga lider ng Simbahan sa Metro Manila sa pangunguna ni Cardinal Luis Antonio TagÂle ay isinagawa sa Rockwell Tent sa Makati City. Sa naturang aktibidad ay dumating ang daan-daang mga pari mula sa Archdiocese of Manila kasama ang iba pang mga lider ng simbahan mula sa mga karatig na Cubao, Kalookan, Novaliches, Pasig at Parañaque diosceses.
Ang kumpanya na pagmamay-ari ng pinakabatang bilyonaryo sa bansa na si Joseph Calata ang kumuha ng mga kilalang personalidad sa entertainment industry para pasayahin ang kaparian.
Ayon kay Calata, kaisa siya ng Simbahan sa lahat ng adhikain at layunin. At sa bawat pagtitipon na nais isagawa ng kaparian, nakahanda silang magbigay suporta sa abot ng kanilang makakaya.
Ang Calata Corp. ay isa sa mga nangungunang Agro-Agri conglomerate sa Pilipinas. Nagbibigay din ito ng tulong at suporta sa mga anak ng mga magsasaka para sa kanilang pag-aaral bukod pa sa mga inilulunsad na livelihood projects para sa ikauunlad ng kabuhayan ng mga magbubukid sa ibat-ibang panig ng bansa.
- Latest