^

Bansa

PNoy darating ngayon sa S. Korea

Malou Escudero, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

SEOUL, South Korea – Darating dito ngayong araw si Pangulong Aquino para sa kanyang dalawang araw na state visit sa imbitasyon ni Korean President Park Geun-Hye.

Isang “red carpet” na pagsalubong ang naghihintay kay Pangulong Aquino sa pagdating nito ngayon.

Ngayon gaganapin ang official welcome ceremonies sa Blue House, ang Executive Office ng Head of State ng Republic of Korea at counterpart ng Palasyo ng Malacañang.

Mismong si President Park Geun-Hye ang ma­ngunguna sa arrival honors kung saan magkakaroon ng 21 gun salute na susundan ng pag-awit sa national anthems ng dalawang bansa.

Matapos nito, sasamahan si Pangulong Aquino sa lobby ng Blue House para sa signing ng Guest Book at saka susundan ng mga summit talks nina PNoy at President Park sa loob ng Jiphyeon Room ng Blue House.

Magkakaroon ng state dinner sa Banquet Hall ng State Guest House bilang pagkilala sa delegasyon ng Pangulo.

Nauna ng sinabi ng Pangulo na itutuloy niya ang state visit sa Korea sa kabila ng nangyaring ma­lakas na lindol sa Bohol at Cebu noong Martes.

BANQUET HALL

BLUE HOUSE

EXECUTIVE OFFICE

GUEST BOOK

HEAD OF STATE

JIPHYEON ROOM

KOREAN PRESIDENT PARK GEUN-HYE

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PRESIDENT PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with