^

Bansa

155 na patay sa lindol!

Joy Cantos at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumobo na sa 155 katao ang naitalang nasawi habang nasa 350 pa ang nasugatan sa 7.2 magnitude na lindol na yumanig kamakalawa ng umaga sa Central Visayas partikular na sa Cebu at Bohol.

Ayon kay Bohol Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Dennis Agustin, sa kanilang lalawigan ay umaabot na sa 145 ang nasawi at nasa 181 ang sugatan.

Ang bayan ng Loon, Bohol ang nagtamo ng pinaka grabeng pinsala kung saan 35 katao ang namatay matapos ma-trap sa isang gusali.

Iniulat naman ni Police Regional Office (PRO) VII Director P/Chief Supt. Renato Constantino na sa Cebu ay nasa 9 ang nasawi at 166 ang sugatan.

Sa bayan ng Siquijor ay isa ang nasawi at tatlo ang nasugatan habang tatlo rin ang nailigtas sa Cebu.

Patuloy na inaalam kung may mga na-trap pang biktima sa mga gumuhong gusali sa mga naapektuhang lugar.

Sinabi naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Exe­cutive Director Eduardo del Rosario, ang malakas na lindol ay nakaapekto sa pitong lungsod, 32 munisipalidad, 960 barangays at aabot sa 591,577 pamilya naman ang apektado rin ng delubyo o katumbas na 3,007,893 milyon.

Naapektuhan din ng lindol ang mga panguna­hing highway at mga tulay sa Bohol at Cebu. 

Sa Bohol ay 20 tulay ang nagkaroon ng bitak, 18 dito ay maari pa namang madaanan.

Kabilang sa mga tulay na nagtamo ng pinsala at hindi na puwedeng madaanan ay ang Abatan Bridge saTagbilaran North Road, gumuho ang Camayaan Bridge sa Tagbilaran North Road, nagtamo ng pinsala ang tulay sa Cortes; Tultogan Bridge sa kahabaan ng Tagbilaran North Road sa Calape, Tagbuana Bridge sa east road ng Tagbilaran at iba pa.

Nagkaroon din ng mga crack ang isa sa apat na malalaking reservoir sa Bohol.

885 aftershocks

Nasa 885 aftershocks ang naitala kahapon at nagpapatuloy pa sa kasalukuyan.

Ayon kay Julius Galdiano, science research assistant ng Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman ang sunod-sunod na pagyanig sa Visayas region dakong 1:00 ng hapon sa Aklan, Antique, Surigao del Sur, Misamis Oriental, Zamboanga del Norte, Sorsogon, Davao, Negros Occidental, Leyte.

Nabatid pa sa Phivolcs na normal lamang umanong makaranas ng pagyanig ang mga naturang lalawigan dahil sa lakas ng magnitude na tumama sa naturang rehiyon.

Sinabi pa ni Galdiano na maaari pang tumagal ang aftershocks sa loob ng 2 hanggang 3 araw subalit magiging mahina na umano ang mga ito.

ABATAN BRIDGE

AYON

BOHOL

BOHOL PROVINCIAL POLICE OFFICE

CAMAYAAN BRIDGE

CEBU

DIRECTOR P

TAGBILARAN NORTH ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with