Bagyong Tino, pumasok na sa PAR
MANILA, Philippines - Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong si Tino.
Alas-11:00 ng umaga kahapon, si Tino ay namataan ng PAGASA sa layong 1,210 kilometro silangan hilaÂgang silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 160 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na aabot sa 195 kilometro bawat oras.
Si Tino ay kumikilos pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro.
Ngayong Martes ng umaga, si Tino ay inaasahan na nasa layong 1,110 kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes o nasa layong 990 kilometro silangan ng Northern Taiwan at lalabas na ng Philippine Area of Responsibility.
Gayunman, ayon sa PAGASA magkakaulan naman ang ilang bahagi ng bansa na nakakaranas ng maulap na kalangitan pero wala itong kinalaman sa naturang bagyo.
- Latest