Deadline sa P45-M blood money, hanggang Nob. 3 na lang OFW bibitayin na sa susunod na buwan
MANILA, Philippines - Isang OFW ang nakatakda nang bitayin sa susunod na buwan kung mabibigo ang kanyang pamilya na maibigay ang P45 milyong blood money na hinihingi ng pamilya ng kanyang napatay na Sudanese national sa Saudi Arabia.
Ayon kay Vice President Jejomar Binay, tumatayo ring Presidential Adviser on OFWs’ Concerns, posibleng matuloy ang pagbitay sa OFW na si Joselito Zapanta kapag hindi naibigay ang 4 milÂyong Saudi riyal (SAR) na hinihingi ng pamilya ng kanyang napatay kapalit ng kanyang buhay at kalayaan.
Naunang humingi ng 5 milyong SAR o P55 milyon ang pamilya ng biktima hanggang sa pumayag na ibaba ito sa P45 milyon.
Ang deadline sa blood money ay itinakda sa Nobyembre 3, 2013 at maaaring isagawa ang pagbitay ng kasunod na araw kung mabibigo ang pamilya Zapanta na maibigay ang nasabing halaga.
Bunsod nito, muling nanawagan si Binay sa mga indibiduwal na may magagandang kalooban na tumulong o mag-ambag para sa kakailangaÂning blood money upang masagip si Zapanta sa kamatayan katulad sa ginawang pagsagip sa OFW na si Rodelio “Dondon†Lanuza, na nakauwi na sa bansa matapos ang 13 taong pagkakakulong dahil sa pagpatay sa isang Saudi national.
Hiniling din ni Binay sa publiko na ipanalangin si Zapanta at makakuha uli ng panibagong ekstensyon.
Nabatid na tatlong beses nang nagbigay ng reprieve o palugit ang Saudi government at pamilya ng biktima para kay Zapanta upang mabigyan nang pagkakataon ang pamilÂya nito na makalikom ng nasabing napakalaking halaga.
Si Zapanta ay hinatulan ng bitay ng Saudi court dahil sa pagpatay sa accountant ng kanyang landlord at ang pagnanakaw umano ng SAR3,000 at dalawang cellphone ng biktima.
Sa huling report ng Department of Foreign Affairs (DFA) kay Binay, umaabot pa lamang sa 520,831.5 Saudi riyal ang nakakalap ng pamilya Zapanta.
- Latest