Megan Young pararangalan ng Kamara
MANILA, Philippines - Bibigyang parangal ng Kamara si Megan Young matapos itong manalong Miss World ngayon taon.
Sa panayam kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr. si Young ay pupunta sa Lunes sa plenaryo ng Kamara sa pagbubukas ng sesyon.
“We are very proud of her and we will surely give her at least at the very list a framed resolution to thank her for what she has done,†ayon kay Belmonte.
Nagbiro naman si Belmonte na hahalikan na lamang niya sa pisngi bilang halik ng isang ama ang beauty queen matapos itong tanungin kung bibigyan din ng cash gift si Young tulad ng ginagawa sa mga atleta kapag pinaparangalan ang mga ito.
Una na rin naghain ng resolusyon si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez upang kilalanin ang panalo ni Young.
Si Young ang kauna-unahang nakoronahan bilang Miss World, mula ng simulan ito 63 taon na ang nakakaraan.
Tinalo ni Young, 23, ang 126 na iba pang kandidata na lumaban sa Bali Nusa Dua Convention Center.
- Latest
- Trending



















