^

Bansa

Kulong sa libel gustong alisin

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahilan sa umano’y paglabag sa freedom of expression kayat isinusulong ng ilang mambabatas ang pag-aalis ng probisyon sa saligang batas ng pagkakabilanggo sa kasong libelo.

Sa halip na makulong, pinatataasan na lamang nina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez at Abante Mindanao Rep. Maximo Rodriguez ang multa para sa mga mapapatuna­yang guilty sa libel mula sa P6,000 hanggang P30,000.

Sa House Bill 2562 na inihain nina Rodriguez, nakasaad dito na ang imprisonment provision para sa libel ay may negatibong impact sa media practitioners na itinuturing na fourth estate of government.

Sa kasalukuyang batas, ang mga mapapatunayang guilty sa libel ay maaaring mabilanggo ng hanggang anim na buwan o anim na taon bukod sa multang P200 hanggang P6,000 depende sa bigat ng pagkakasala.

Nakasaad pa sa panukala na ang mga magbabantang ipapublish ang isang libelous article patungkol sa isang indibidwal, magulang nito, asawa, anak o iba pang miyembro ng pamilya ay papatawan ng multang P5,000 hanggang P15,000.

Samantalang ang mga reporter, editor o manager ng dyaryo o magazine na maglalathala tungkol sa pribadong buhay ng isang indibidwal na makaka-offend sa kanya ay pagmumultahin ng P10,000 hanggang P30,000.

ABANTE MINDANAO REP

DAHILAN

HANGGANG

MAXIMO RODRIGUEZ

NAKASAAD

ORO REP

RUFUS RODRIGUEZ

SA HOUSE BILL

SAMANTALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with