^

Bansa

‘Santi’ lumakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bahagyang lumakas ang bagyong Santi habang mahinang kumikilos papunta sa direksiyon ng Luzon.

Alas-11 ng umaga kahapon, si Santi ay namataan ng Pagasa sa layong 560 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Si Santi ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 9 kilometro bawat oras.

Ngayong Huwebes ng umaga si Santi ay nasa layong 370 kilometro silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes at sa Biyernes ng umaga ay nasa layong 400 kilometro silangan ng Infanta, Quezon. Sa Sabado ito ay nasa layong 190 kilometro silangan ng Baler, Aurora.

Asahan na ang mga pag-uulan sa naturang mga lugar kayat kaila­ngan ang matinding pag-iingat ng mga residente rito.

vuukle comment

ASAHAN

BAHAGYANG

BIYERNES

CATANDUANES

KILOMETRO

NGAYONG HUWEBES

SA SABADO

SANTI

SI SANTI

VIRAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with