^

Bansa

Rice import ng private sector giit

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat isagawa ang importasyon ng bigas sa pamamagitan ng pribadong sektor sa ilalim ng pangangasiwa ng pamahalaan para mapigilan ang lalong pagtaas ng presyo ng bigas.

Ito ang iminungkahi ng isang senior research fellow ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na si Dr. Roehlano Briones na sumasang-ayon din sa pananaw ni National Economic Development Authority Secretary Arsenio Balicasan na kumukuwestyon sa rice self-sufficiency strategy ni Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala.

Sinabi pa ni Briones sa isang panayam kamakailan na ang problema sa patakarang sinusunod ng DA ay nakaangkla sa mga butas sa pangangasiwa sa kasalukuyang problema sa bigas dala ng “sadyang napakabagal at pinupulitikang pagdedesisyon.”


Sinabi din nito na ang presyo ng bigas sa bansa ay mas mataas sa “ini-enjoy ng mundo” dahil “ang lokal na produksyon ay kulang o hindi kayang tumugon sa ating pangangailangan.”


Nauna rito, sa isang memorandum kay Pangulong Aquino noong nakaraang buwan, nagbabala si Balicasan sa implikasyon sa “food security” ng bansa dahil sa kakulangan sa produksyon ng bigas ngayong 2013 mula sa 0.5 million hanggang 1.4 million metriko tonelada (MT).


Ngunit sa kabila ng patuloy na pag-giit ni Alcala sa kasapatan ng bigas, mariin namang sinabi ni Briones na kung ang pagbabatayan ay ang sariling datos ng Bureau of Agricultural Statistics (BAS) noong 2010 hanggang 2012 hinggil sa produksyon at “net food disposable data,” ang pinakamaliit na kakulangan sa produksyon ay aabot sa 3 milyong MT.

“Kakulangan ang ibig sabihin ng mga datos na ito. At kung hindi ito tutugunan sa pamamagitan ng importasyon, ang kakulangang ito ay lalo pang magtutulak pataas sa presyo ng bigas,” pahayag ng ekonomistang taga-UP.

“Kayang-kaya ng mga negosyanteng pribado na tumugon sa pang-araw-araw na galaw ng suplay at pangangailangan dito,” sabi pa niya. “Hindi ganoon kabilis ang pagtugon ng pamahalaan dahil sa mga nakapaloob na prosesong kailangang pagdaanan ng mga desisyon. Bukod pa rito, ang mga desisyong ito ay laging lubos na napupulitika at hindi repleksyon ng totoong lagay ng merkado.”

BIGAS

BRIONES

BUREAU OF AGRICULTURAL STATISTICS

DEPARTMENT OF AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA

DEVELOPMENT STUDIES

DR. ROEHLANO BRIONES

NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY SECRETARY ARSENIO BALICASAN

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE INSTITUTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with