^

Bansa

Ex-CSU prexy, guilty sa kasong graft

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng mula 6 hanggang 10 taong pagkabilanggo si Armando Cortes; dating Presidente ng Cagayan State University (CSU) matapos mapatunayang guilty sa kasong  graft.

Sa 47 pahinang desisyon ng anti graft court, nakasaad din dito na hindi rin pinapayagan na makakuha ng anumang posisyon sa gobyerno si Cortes dahil sa paglabag sa Section 3 ng  Republic Act (RA) No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) .

Sa court record, nadiskubre  na si  Cortes at Joseph Acorda, ex-CSU Vice President for Administrative Affairs at Chairman ng Pre-Qualification, Bids and Awards Committee ay pumasok sa kontrata noong 1996  sa isang Orlino Rabara, may-ari ng  ACI Aneco Compu­ters, Inc. para sa pagbili ng ₱1.2 million halaga ng  computer network system.

Nakita din ng Commission on Audit (COA)  na nabili ang naturang mga computer system nang walang naisagawang bidding at wala ding  canvass ng presyo kaya’t nagbenepisyo ng husto sa kontratang nabanggit ang ACI Aneco.

Samantala, sa isa pang graft case ay pinawalang sala si Cortes, Acorda at Rabara hinggil sa umano’y illegal na pagbili ng medical/laboratory supplies na may hala­gang  P170,950 dahil sa kakulangan ng ebidensiya na nagdidiin sa kanila sa kasong ito.

vuukle comment

ADMINISTRATIVE AFFAIRS

ANECO COMPU

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ARMANDO CORTES

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

CAGAYAN STATE UNIVERSITY

JOSEPH ACORDA

ORLINO RABARA

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with