^

Bansa

Pagkabanal ng Halloween ibabalik

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais ng religious group na Prayer Warriors of the Holy Souls (PWHS) na ibalik ang pagiging banal ng Halloween sa bansa.

Ayon sa PWHS, hindi umano marapat na pinagdadamit ng mga nakatatakot na costumes ang bata sa pagsapit ng Halloween, bagkus ang dapat na costume ay mga  Santo at mga martir upang maging isang mabuting halimbawa at impluwensiya na maaring tularan.

Sinabi ni PWHS spiritual director Fr. Michell Joe Zerrudo, sa halip na mga nakakatakot na kasuotan tulad ng mga Zombie at Dracula ay dapat na pagsuotin ng mga pangbanal na costume ang mga bata.

Ipinaliwanag ni Zerrudo na ang pagdadamit sa mga bata bilang mga zombies, devils at mga multo para sa Halloween ay nagbibigay ng maling impresyon ng mga ito na ang masamang espiritu ay nakatutuwa at mistula ring natatanim sa isip ng mga bata na walang masama sa paggaya sa mga ito.

Naniniwala rin si Zerrudo na kailangang paalalahanan ang mga bata na ang pagsunod sa turo ni Kristo ay posible at abot-kamay lamang ng lahat.

Isinusulong na rin ng PWHS ang “March of Saints” practice na isang kampanya na nagsusulong nang pagpapagamit sa mga bata ng mga kasuotang pang-santo at pang-martir, sa panahon ng Halloween.

Sinimulan na rin ito sa ilang parokya, tulad ng St. John the Evangelist Parish, Sta. Maria, Bagbaguin sa Diocese of Malolos; St. James the Great Parish, Ayala Alabang Village, Muntinlupa; at sa Holy Family Parish, Roces District, Quezon City, na pinamumunuan ni Zerrudo.

 

AYALA ALABANG VILLAGE

DIOCESE OF MALOLOS

HOLY FAMILY PARISH

MARCH OF SAINTS

MICHELL JOE ZERRUDO

PRAYER WARRIORS OF THE HOLY SOULS

QUEZON CITY

ROCES DISTRICT

ZERRUDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with