^

Bansa

POEA nagbabala vs non-existent jobs sa Italy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binalaan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga aplikante laban sa iniaalok na ‘non-existent jobs’ sa Italy.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo J. Cacdac, isang Andrew Lorenzo, na empleyado umano ng kumpanyang Baggio SPA Transporti Combinati, ang nagsabi na ang naturang kum­panya ay nagre-recruit ng mga Pinoy ngunit ang kanilang mga employment documents ay ipu-proseso ng direct hiring sa Malaysia.

Batay sa ulat, isang ahente na may pangalang Arnie Almazan na nakabase sa Malaysia, ang humihingi ng P55,000 mula sa aplikante para sa placement at visa fee ng mga ito.

Isa pa umanong ahente sa Pilipinas ang humihingi naman sa mga aplikante ng P6,000 para sa POEA proces­sing fee.

Iginiit ni Cacdac na sina Andrew Lorenzo at Arnie Almazan ay hindi binigyan ng awtoridad ng POEA para mag-recruit ng mga Pinoy workers kaya’t ang mga aktibidad ng mga ito ay itinuturing na ilegal.

Ang Baggio SPA Transporti Combinati ay isang freight forwarding company na nakabase sa Venice, Italy ngunit hindi ito accredited sa alinmang lisensyadong recruitment agency sa Pilipinas.

Nilinaw pa ni Cacdac na ang pag-recruit ng mga manggagawa sa pamamagitan ng third country ay isang lumang modus operandi ng mga illegal recruiter.

 

vuukle comment

ADMINISTRATOR HANS LEO J

ANDREW LORENZO

ANG BAGGIO

ARNIE ALMAZAN

CACDAC

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

PILIPINAS

TRANSPORTI COMBINATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with