Salceda: Hindi dapat maging problema ang DAP
MANILA, Philippines - Ang kontrobersiyal na Disbursement AcceleÂration Program (DAP) ay isang “strategic instrument†lamang para maÂgamit ng pamahalaan ang mga natipid nitong salapi sa paraang higit na hayag at naaayon naman sa General Appropriations, Administrative Code at Saligang Batas, kaya legal din ito.
Ito ang pananaw ni Albay Gov. Joey Salceda sa kasalukuyang usaping masalimuot na DAP na ayon sa kanya ay dati nang ginawa ng lahat ng nakaraang administrasyon.
“Sa totoo lang, ang DAP ay higit na hayag na paraan sa paggamit ng natipid ng pamahalaan dahil pwersado ang eheÂkutibo na pagpasiyahan kung paano at magkano ang dapat gastusin batay sa hindi magkatugmang pangangailangan ng serbisyo at economic investments,†paliwanag niya.
Ang kontrobersiya sa usaping DAP, ayon sa kanya, ay dahil sa nahanay ito at nagmumukhang pork barrel na rin, bagama’t P3 bilyon lamang sa P85 bilyon ang sangkot. Ang gusot na kaakibat nito ay bunga ng duda ng publiko sa intensiyon ng pinagkagastusan ng pera dahil nga bantad na ang tao sa katiwalian ng mga pulitiko.
Sa balansiyadong pagsusuri, sinabi ni Salceda na ang mga nagawa na ni PNoy sa nakaraang tatlong taon, at sa maaasahan pa hanggang 2016, walang sapat na dahilan para bawiin na ng bayan ang tiwala sa kanya, lalo na kung lilimiin ang mga positibong “policy reforms†at “social services gains†na napasimulan na.
Sa panawagan ng ilan na i-impeach ang PaÂngulo, sinabi ni Salceda na malabo ito dahil hindi ito susuportahan ng mga mamamayan at walang itong magagawang mabuti sa bansa. “Para itong ipinagkatiwala ang pangangasiwa ng bilangguan sa mga preso, o ibinibigay ang pagpapatakbo ng ospital sa mga pasyente.â€
Binigyang diin ni Salceda na bagama’t maraming pagkakataon na hindi siya pabor sa mga panuntunan at estratehiya ng pamahalaang Aquino, naniniwala siyang “si PNoy pa rin ang pinakamagandang pag-asa ng bayan para maganap at magkaugat ang mga repormang kailangan sa pamahalaan at sa ating lipunan.â€
- Latest