^

Bansa

Problema sa tubig sosolusyunan - LLDA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangunahan ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang pagtitipon ng iba’t ibang sektor ng pamahalaan at lipunan upang makabuo ng pangmatagalang solusyon sa lumalalang problema sa tubig at pagbaha sa Laguna de bay Region (LdBR) at sa buong bansa.

Ayon kay Presidential Adviser for Environmental Protection at LLDA General Manager Sec. J. R. Nereus “Neric” O. Acosta, kinakailangang sangkot ang lahat sa pagbuo ng viable at long-term solutions sa problema hinggil sa suplay ng tubig at mga pagbaha.

Nabatid na ang dalawang araw na summit na may titulong The Laguna Lake Water and Flood Management Imperative ay isang seminar effort upang pagsama-samahin ang lahat ng stakeholders ng LdBR o lahat ng mga tao mula sa iba’t ibang lugar, na may kinalaman sa isyu upang talakayin ang integrated approaches sa water at flood management sa Laguna Lake Basin.

Kabilang sa mga dumalo ang kinatawan ng iba’t ibang sector tulad ng industry owners, business leaders, pollution control practitioners, LGUs at policy makers, civil society at academe, peoples’ organizations, at community representatives tulad ng mga babae, mangingisda, magsasaka at mga negosyante.

Nagkaroon rin ng exhibition ng mga produkto, tek­nolohiya at mga serbisyo ng iba’t ibang stakeholders.

Ang pagtitipon ay ginanap sa Philippine Internatio­nal Convention Center (PICC) kahapon na magtatagal hanggang ngayong araw.

vuukle comment

CONVENTION CENTER

ENVIRONMENTAL PROTECTION

GENERAL MANAGER SEC

LAGUNA LAKE BASIN

LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY

LAGUNA LAKE WATER AND FLOOD MANAGEMENT IMPERATIVE

PHILIPPINE INTERNATIO

PRESIDENTIAL ADVISER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with