Nagpapakamatay sa Pinas dumarami
MANILA, Philippines - Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagpapakamatay sa bansa, ayon sa record ng National Statistics Office.
Sa Senate Resolution 257 na inihain ni Senator Grace Poe, sinabi nito na panahon na upang magkaroon ng isang suicide prevention program ang gobyerno upang matulu ngan ang mga mamamayan na nakakaranas ng matinding depresyon.
Base sa record, ang suicide rate mula 1984 hanggang 2005 ay tumaas mula 0.46 sa pito sa bawat 200,000 kalalakihan, samantalang ang incident rate sa mga kababaihan ay mula 0.24 sa dalawa sa bawat 200,000 na kaÂbabaihan.
Ayon pa sa ulat, ang depresyon ang number one pa ring dahilan ng mga nagpapakamatay, siÂnunÂdan ng pagkamatay ng isang minamahal; separation o break-up mula sa isang relasyon; loss of custody ng mga anak; pagkawala ng trabaho, bahay o pera; terminal illness; chronic physical pain; kaÂwalan ng pag-asa; mga nabiktima ng karahasan; rape, physical o verbal assault at seryosong legal na problema.
Sinabi ni Poe na dapat makita ng mga nakakaranas ng depresyon na may halaga pa ang buhay at mangyayari lamang ito kung may tutulong sa kanila sa nararanasang depresyon.
Naniniwala si Poe na dapat magsagawa ng pag-aaral ang Senate Committee on Health and Demography para makapagpasa ng batas na makakatulong sa mga mamamayan na nagkaka-depresyon.
Sa Pilipinas, hindi pa rin ikinokonsidera na sakit ang depresyon kaya hindi nakakahingi ng tulong ang mga nakakaranas nito.
Naniniwala si Poe na ang figures ng NSO ay posibleng mas mababa pa sa aktuwal na bilang dahil maraming insidente ng suicide ang hindi na naiiulat.
- Latest