Abad, Alcala, Napoles at 6 pa PNoy kinasuhan ng plunder
MANILA, Philippines - Kinasuhan ng plunder sa tanggapan ng Ombudsman si Pangulong Aquino kaugnay ng kontrobersyal na pork barrel scam.
Sa 11-pahinang rekÂlamo ng militanteng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), kinasuhan din ng plunder sina Agriculture Secretary Proceso Alcala, Budget Secretary Butch Abad, magkapatid na Janet Napoles at Reynald Lim at limang iba pa.
Nakasaad sa reklamo ang hangarin ng mga militanteng grupo na papanagutin ang naturang mga indibidwal hinggil sa umano’y maanomalÂyang paggamit ng halos P500,000 milyon pondo ng pamahalaan na ipinadaan sa Department of Agriculture (DA).
Sinasabi ng naturang grupo na walang pondong nakarating sa mga magsasaka mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa Malampaya fund.
“Ang mga magsasaka ang ginagamit na recipient nila na kuno ay tinutuluÂngan pero wala namang nakakarating sa amin,†pahayag ng mga complainant.
Kabilang anila sa mga ebidensya ang mga dokumento ng mga tranÂsaksyon sa gobyerno na nagpapakita ng proseso sa paglabas ng pondo.
Aminado naman si KMP Chairman Rafael Mariano na maaaring hindi agad mapanagot si Pangulong Aquino sa kasong ito dahil sa immunity ng Chief Executive.
Gayunman, hinamon ni Mariano si Aquino na i-waive ang immunity para harapin ang natuÂrang kaso.
- Latest
- Trending