DAP ilegal! - Miriam
MANILA, Philippines - Ilegal ang kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) dahil hindi ito nakapaloob sa 2011 at 2012 budget.
Ayon kay Senator MiÂriam Defensor-Santiago, labag sa batas ang ginawang paggamit sa nasabing savings para pondohan ang mga bagong ‘budget items’ na wala namang awtorisasyon mula sa Kongreso.
Ayon kay Santiago, nilabag ng DAP ang probisyon sa Konstitusyon na nagsasabing walang batas ang maaaring ipasa na nagbibigay ng awtorisasyon sa paglilipat ng pondo.
Maaari lamang umaÂÂÂnong maglipat ng pondo ang Presidente kung may savings o kung na-kumpleto na ang isang proyekto at hindi naman nagamit lahat ng pondo. Pero hindi masasabing may savings kung ipinagpaliban lamang ang paggawa ng proyekto.
Sinabi ni Santiago na ang DAP funds ay luÂmalabas na kinuha lamang sa mga “slow-moving projects†at wala naman talagang savings kaya ito ay ilegal.
Dapat aniyang kumuha muna ng approval sa Kongreso ang budget department dahil sa KonsÂtitusyon, ang Kongreso ang may tinatawag na “power of the purse.
Naging malaking isyu ang DAP matapos ibunyag ni Senator Jinggoy Estrada na nabigyan ng P50 milyon ang mga senador na bumoto ng pabor sa impeachment trial ni Corona.
“The budget secretary released a list of the beneficiaries of the DAP. The variance of the beneficiaries – lumping together P10 billion to the National Housing Authority, with P50 million for every senator in 2012 – indicates that the DAP is nothing more or less than the huge pork barrel of the President, spent without the participation of the Congress,†pahayag pa ni Santiago.
Ibinunyag din ni daÂting Senador Joker Arroyo ang P500 milyong PDAF na ipinamudmod umano sa mga senador sa kasagsagan ng impeachment trial.
Ayon kay Arroyo noong buwan ng Abril 2012 impeachment trial ay merong P500 milyon PDAF ang naipalabas sa 11 senador.
Ilang buwan pagkatapos ma-impeached si Corona ay ipinamahagi naman ang tig-P50 milÂyon sa mga senador kung saan ang pondo ay mula sa kontrobersyal na DAP.
Pinaiimbestigahan na ni Santiago sa Commission on Audit (COA) ang nasa P1.1 billion na nakapaloob sa DAP allocations ng Malacañang na aniya’y malinaw na isang uri ng pork barrel.
- Latest