^

Bansa

Sunod-sunod na lindol naramdaman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sunod-sunod na pagyanig ng lupa ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)  kahapon ng madaling-araw.

Alas-2:46 ng madaling-araw nang maitala ng PHIVOLCS ang 2.8 magnitude na lindol sa layong 019 kilometro hilagang silangan ng Looc Occidental Mindoro na may lalim ng lupa na 90 kilometro.

Nilindol din ng 2.9 magnitude ang timog kanluran ng Kiamba Saranggani na may lalim ng lupa na 22 kilometro ganap na alas-12:28 ng madaling-araw.

Iniulat din ng PHIVOLCS na gumalaw naman ang isang bahagi ng Manila Trench alas 4:03 ng Biyernes ng hapon.

Ayon kay Kathlyn Papiona, Senior Science Research Specialist  ng PAGASA ay may magnitude 4.7 na lindol ang kanilang naitala sa West Philippine Sea o 127 kilometro timog kanluran ng San Antonio, Zambales na may lalim na  10 kilometro .

Naramdaman  ang lakas na intensity 2 na lindol sa Quezon City, Pasay at Malabon City, Olongapo City; Manila; Muntinlupa City  sa mga  nakatira lamang sa matataas na gusali ang nakaramdam ng pagyanig.

Intensity 3 naman ang naramdamang lindol sa Iba, Zambales habang intensity 1 sa Puerto Galera at Orien­tal Mindoro.

Wala namang naiulat na napinsala o naapektuhang mga indibidwal at mga gusali ang naturang mga paglindol.

 

vuukle comment

KATHLYN PAPIONA

KIAMBA SARANGGANI

LOOC OCCIDENTAL MINDORO

MALABON CITY

MANILA TRENCH

MUNTINLUPA CITY

OLONGAPO CITY

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PUERTO GALERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with