PNoy pinasalamatan sa mabilis na relief goods sa Zambales
MANILA, Philippines - Nagpasalamat si Zambales Rep. Jeff Khonghun kay Pangulong Aquino dahil sa atensyong biniÂbigay nito upang maresolba ang baha sa kanilang lalawigan.
Ayon kay Khonghun, malaki ang pasasalamat ng mga lokal na opisyal ng 1st district ng Zambales sa mabilisang relief goods na ipinadala ng national goÂvernment sa mga biktima ng baha.
“I know for a fact that the Aquino administration is doing its best and working fast to help and rehabilitate situation of victims as well as infrastructure and other damages,†ayon pa sa baguhang mambabatas.
Nilinaw pa ng mambabatas, na nakikipag-coordinate na siya sa national government at sa sandaÂling matapos na ang final assessment sa naging damage dulot ng pagbaha ay umaasa ito na magkakaroon ng propose budget ang gobyerno para sa implementasyon at rehabilitasyon.
Ang lalawigan ng Zambales ang isa sa pinaka nasalanta ng habagat na pinalala pa ng bagyong Odette na nanalanta sa bansa noong Sabado hangÂgang Lunes.
Dahil sa matinding pag-ulan kayat nagdulot ito ng landslides sa lalawigan na nag-iwan ng kabuuang 33 katao ang namatay.
Tiwala naman si Khonghun na sa pakikiÂpagtulungan ng lokal na pamahalaan sa ibat ibang ahensiya ng gobyerno ay tiyak na sasailalim sa rehabilitasyon ang Zambales at matutulungang maÂkabangon ang buhay ng mga biktima ng bagyo.
- Latest