^

Bansa

SSS premium hike kinastigo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinastigo ng labor group na Kilusang Mayo Uno ang ginawang pag-apruba ni Pangulong Noynoy Aquino na maitaas sa 0.6 percent  ang kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System dahil sa magda­dagdag lamang ito sa problemang pasanin at dagdag na gastusin gayung hindi naman napapa­angat ang benepisyo­ ng SSS members.

Ayon sa KMU na tulad ng naganap na pork barrel scam, ang mga manggagawa ay nagpapakahirap sa trabaho pero nauwi lamang sa bulsa ng mga tiwaling pulitiko­ ang kanilang pera.

“The SSS leadership has consistently claimed that the workers’ fund is in a healthy condition. We therefore see no legitimate reason for increasing members’ contribution,” pahayag ni Jerome Adonis, campaigns officer ng KMU

Nilinaw ni Adonis na maaari namang ayusin ang pagla­laan ng benepisyo sa mga SSS members ng hindi itinataas ang premium.

Sa ngayon ang SSS ay may 10 million members at 1.6 million pensioners.

Banta ng KMU, patuloy silang magsasagawa ng mga pagkilos kontra sa pagtataas sa contributions sa  SSS hanggang sa huling araw bago ito maipatupad sa January 2014.

AYON

BANTA

JEROME ADONIS

KILUSANG MAYO UNO

KINASTIGO

NILINAW

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SOCIAL SECURITY SYSTEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with