Panonood ng telenovela bawasan - Obispo
MANILA, Philippines - Sa halip na ubusin ang oras sa panonood ng mga telenovela, pinayuhan ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani ang mga Katoliko na mag-rosaryo na lamang.
Ayon kay Bacani, mas makabubuti kung 15 minuto lamang ang ilaan araw-araw sa panonood ng telenovela at ilaan na lamang ito sa pagdarasal ng rosaryo.
Sinabi ni Bacani na kapansin-pansin ang walang tigil na mga soap opera dahil sa walang hanggang mga patalastas na ang layunin lamang ay kumita ng maraming pera gayundin ang pagtutok sa panonood ng mga Katoliko.
Ipinaliwanag pa niya na sa nangyayaring global crisis situation sa iba-ibang bansa, kabilang na ang nagaganap sa Zamboanga City sa Pilipinas, Syria at Afghanistan, mahalagang kilalanin ng lahat ang kapayapaaan bilang kaloob ng Diyos sa tao.
Mas kailangan ng mga Filipino na naiipit sa kaguluhan ang panalangin sa Diyos para sa kapayapaan.
- Latest