^

Bansa

PCSO kinilala ng Red Cross

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinigay ng Philippine Red Cross National Blood Services sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang Blood Samaritan Testimonial Plaque Award para sa walang sawa nitong suporta sa Red Cross Blood Services. Tinanggap ni PCSO Chair Margie Juico, na siya ring keynote speaker ng seremonya, ang gawad para sa ahensiya sa Blood Donors Recognition Ceremony 2013 sa Manila Hotel.

Sa kanyang pagpapakilala sa tagapagsalita, sinabi ni Red Cross Secretary General Gwendolyn Pang na si Juico ay may higit 26 taong karanasan bilang punong managerial at propesyunal na lingkod bayan.

Suportado ni Juico at ng PCSO ang Red Cross sa pamamagitan ng regular na donasyon para sa mga mahihirap na pasyente na nangangailangan ng de-kalidad at ligtas na dugo, at sa pagdadala sa PRC Blood Service Program sa mas mataas na kalagayan dahil sa mga biniling kagamitan at sa bilang ng mga taong natulungan nito.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Juico na magkaa­gapay ang Red Cross at ang PCSO sa pagdadala ng mas magandang buhay para sa mga Pilipino.

Ang PCSO ang pangunahing institusyon ng pamahalaan na may mandatong magbigay ng tulong medikal at dental sa mga Pilipino mula sa kita nito sa national sweepstakes at lotto.

BLOOD DONORS RECOGNITION CEREMONY

BLOOD SAMARITAN TESTIMONIAL PLAQUE AWARD

BLOOD SERVICE PROGRAM

CHAIR MARGIE JUICO

JUICO

MANILA HOTEL

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PHILIPPINE RED CROSS NATIONAL BLOOD SERVICES

RED CROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with