^

Bansa

Kampanya vs depektibong Christmas lights inilarga ng DTI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dahil sa nag-uumpisa nang magsibilihan ng dekorasyon ang publiko para sa paparating na Pasko kaya inumpisahan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kampanya laban sa mga peke, depektibo at “sub-standard” na mga Christmas lights na inaasahang dadagsa sa mga pamilihan.

Nagpaalala na ang DTI sa mga mamimili na iwasan na bumili ng mga mura nga ngunit mga mahihinang klaseng Christmas lights na siyang nagiging panguna­hing dahilan ng mga sunog.

Hindi naman umano papalampasin ng  ahensya ang mga negosyante at establisyemento na lalabag sa kanilang patakaran partikular na ang pagbebenta ng mga di makakapasang Christmas lights sa mga pamantayan tulad ng Import Commodity Clearance (ICC) at Philippine Standards (PS).

Ang naturang hakbang ay naaayon sa Consumer’s Welfare Act na nagbabawal sa pagtitinda ng mga pekeng produkto na maaaring maging sanhi ng aksidente at pagkawala ng buhay at ari-arian.

 

CHRISTMAS

DAHIL

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

IMPORT COMMODITY CLEARANCE

NAGPAALALA

PASKO

PHILIPPINE STANDARDS

WELFARE ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with