^

Bansa

1.2K ektaryang Organic Soya itatanim ng GBGPC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Target ng mga opisyal at miyembro ng Golden Beans & Grains Produ­cers Cooperative (GBGPC) na magtanim ng 1,200 na ektaryang Organic Soya sa bansa sa susunod na taon.

Sa pagpupulong na isinagawa ng GBGPC sa Sumacab Sur, Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong nakalipas na Sept. 14 ay isa-isang tinukoy ng mga opisyal at miyembro ng Kooperatiba ang mga lugar at kung ilang ektarya ang pagtatamnan nila ng ‘Wonder crop’ na Organic Soya.

Ayon kay Dok Nilo Dela Cruz, Chairman ng GBGPC, desidido ang kanyang mga kasama sa Kooperatiba na maipalaganap ang pagtatanim ng soya upang sa mga darating na taon ay hindi na kailangan pang mag-import nito sa ibang bansa.

Base sa pag-aaral, nabatid na ang soya ay isang anti-cancer, anti-diabetic, anti-allergy, anti-heart di­sease at iba pang sakit.

Pampaliit din ng tiyan, pampaganda ng kutis at pampaputi ang soya dahil sa pagkakaroon nito ng mataas na protina, omega 3 at vitamin E.

Halos araw-araw ay bino-broadcast sa Radyo ng Bayan (DZRB-738 khz) sa programang Maunlad na Akgrikultura ni Ka Francis Cansino ang kahalagahan ng pagkain ng soya.

Tampok din ang pagpapalaganap ng organic soya sa darating na 2nd year anniv. ng Agri Techno Demo Forum sa darating na Sept. 21 na gaganapin sa PIA building, Visayas Ave., Quezon City na dadaluhan ni DA Sec. Proceso Alcala, Rosie Aquino, CLSU Prof. Thelma Estera, Cecil Antolin ng Philmech at tinatayang 1,500 na participants.

 

AGRI TECHNO DEMO FORUM

CABANATUAN CITY

CECIL ANTOLIN

DOK NILO DELA CRUZ

GOLDEN BEANS

GRAINS PRODU

KA FRANCIS CANSINO

KOOPERATIBA

ORGANIC SOYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with