Dengue Prevention and Awareness, inilunsad ni Joy B
MANILA, Philippines - Pinangunahan kahapon ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang paglulunsad sa Dengue Prevention and Awareness Project sa pakikipagtulungan ng Human Nature at ng Gawad Kalinga sa Fairview EleÂmentary School, ang isa sa mga lugar sa lungsod na may pinakamataas na bilang ng kaso ng dengue.
Sa naturang okasyon ay namahagi ang Human Nature sa pamamagitan ng presidente nitong si Anna Miloto -Welk ng 100 botelya ng 100 percent natural Citronella Bug shield oil sa lahat ng sections at school clinic ng naturang paaralan, samantalang si Vice Mayor Belmonte ay nagkaloob ng 200 oregano seedlings sa nasabing paaralan. Ang halaman na oregano ang isa sa sinasabing mabisang halaman na pamuksa sa lamok na may dalang sakit na dengue.
Ang Dengue Prevention and Awareness project ay patuloy na programa ng Human Nature at Gawad Kalinga Farmers Fund Drive Campaign na layuning magkaloob ng citronella bug shield oil at citronella bud shield lotion para sa development ng farming communities sa Bukidnon.
Sa Setyembre 15 ay magsasagawa naman ng clean up drive ang tanggapan ni Belmonte kasama ang Human Nature at Gawad Kalinga sa Gawad Kalinga sa Sitio Ruby site sa Fairview para mamahagi ng naturang produkto sa mga residente doon para maiwasan ang pagdami ng kaso ng sakit na dengue.
Sinabi ni Vice Mayor Belmonte na ang hakbang ay bilang patuloy na pagpapaalala sa publiko kung paano maiiwasan ang sakit na dengue sa bawat pamayanan at tuturuan ang mga itong magtanim ng oregano na mabisang pantaboy ng lamok .
Sa latest monitoring ng tanggapan ay bumaba ng 46.8 percent o nasa 3,438 katao ang nagkasakit ng dengue at 19 katao ang namatay simula Enero hanggang Agosto 2013 na mas mababa sa 6,463 katao ang nagka- dengue sa ganun ding buwan ng nagdaang taon at 27 ang namatay.
- Latest