Organic Soya production, ipapalaganap
MANILA, Philippines - Isa sa pinagtutuunan ngayon ng pansin ng pamunuan ng Department of Agriculture (DA) ay ang pagpapalaganap ng production ng Organic Soya sa bansa.
Puspusan ang pagtuturo ngayon ng mga opisyal ng DA sa iba’t ibang grupo, individual at kooperatiba na nais magtanim at magparami ng ‘Wonder Crop Soya’ sa Pilipinas.
Si Rose Mary ‘Maam Rosie’ Aquino ang isa sa inatasan ni Agriculture Sec. Proseco Alcala na manguna sa pagbibigay ng impormasyon at kaalaman sa ‘health and wellness’ na maibibigay ng soya sa isang tao, dahil pinakamayaman ito sa protina sa lahat ng uri ng halaman.
Ang sapal nito ay ginawang soy burger, longasoy, soy shanghai at iba. Aniya maaaring gumawa ng 100 ibat-ibang uri ng pagkain mula sa soya, tulad ng tofu, tokwa at iba pa.
Base sa pag-aaral, nabatid na ang soya ay isang anti-cancer, anti-diabetic, anti-allergy, anti-hearth diÂsease at iba pang sakit.
Pampaliit din ng tiyan, pampaganda ng kutis at pampaputi ang soya dahil sa pagkakaroon nito ng mataas na omega 3 at vitamin E.
- Latest