^

Bansa

Salceda nahalal muli bilang Bicol RDC chair

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Buong pagkakaisang inihalal muli ng Bicol Regional Development Council (RDC) si Albay Gov. Joey Salceda para sa kanyang pangatlong turno bilang RDC chairman sa ginanap na pulong nitong nakaraang linggo sa regional office ng National Economic Deve­lopment Authority (NEDA) dito.

Ang reeleksyon ni Salceda ay nangangahulugan din na patuloy niyang pamamatnugutan ang pagsulong ng Bicol mula sa pagdarahop patungo sa pagiging “global destination” ng kalakalan at turismo sa pamamagitan ng mahahalagang mga programang kanyang pinasimulan.

Ang RDC ang pinakamataas na “policy-making and planning body” sa mga rehiyon, na katapat ng NEDA sa pambansang antas. Binabalangkas nito ang mga pangkaunlarang programa para sa mga rehiyon at pinag-uugnay ang pagpapatupad sa naturang mga programa, kasama na ang mga pangunahing imprastraktura at “investment priorities.”

Ang ilan sa mga “landmark projects” ni Salceda bilang Bicol RDC chair ay ang P3.4 bilyong Southern Luzon International Airport (SLIA) sa Daraga, Albay na bubuksan sa 2015, ang “Guicadale (Guinobatan-Camalig-Daraga-Legazpi) economic platform,” ang P2 bilyong “flood control project” sa Legazpi City at ang P665 milyong Albay West Coast Road.

ALBAY GOV

ALBAY WEST COAST ROAD

BICOL

BICOL REGIONAL DEVELOPMENT COUNCIL

JOEY SALCEDA

LEGAZPI CITY

NATIONAL ECONOMIC DEVE

SALCEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with