Retrieval ops sa 23 pang missing sa lumubog na M/V Aquinas ititigil na
MANILA, Philippines - Posibleng itigil na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang search and reÂtrieval operations sa nawawala pang 23 pasahero ng lumubog na M/V Saint Thomas Aquinas sa karagatan ng Talisay, Cebu dahil sa panganib na maaÂring matamo ng mga divers.
Ayon kay PCG spokesman Cmdr. Armand Balilo, dapat din umano nilang ikunsidera ang kaligtasan ng mga divers na siyang gumagalugad sa loob ng barko para mahanap ang may 23 biktima na nawawala.
Delikado aniya para sa mga divers ang water current sa ilalim ng dagat at mga debris sa loob ng barko.
Naitala na ang 114 bangkay na narekober habang 23 pa ang nawawala, batay sa ulat nitong Sabado.
Nabatid din na tinapos na ang isinagawang imbestigasuon ng Special Board of Marine Inquiry (SBMI) hinggil sa insidente ng banggaan sa pagitan ng M/V St. Thomas Aquinas at M/V Sulpicio Express Siete na naganap noong Agosto 16, sa Lawis Ledge Talisay City, Cebu.
Pinangunahan ni Coast Guard Commodore Gilbert Rueras ang SBMI investigation at inihaÂhanda na ang assessment para sa resulta.
Wala na rin aniyang dagdag na resource person at witness na gustong humarap sa imbestigasyon bagamat maaring tumanggap pa rin sila ng witness kung may kusang lumapit sa kanila at magbigay ng pahayag hinggil sa paglubog ng barko.
- Latest



















