^

Bansa

Walang sasantuhin sa rice probe

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napipinto na ring sa­bayan ng House of Representatives ang Senado sa imbestigasyon sa pagtaas ng presyo ng bigas at importasyon nito na inaasahang ibayong gigisa sa mga opisyal ng Department of Agriculture at National Food Authority.

Sinabi nina Magdalo partylist Representatives Gary Alejano at Francisco Ashley Acedillo na magsasampa rin sila sa mababang kapulungan ng Kongreso ng reso­lusyong humihiling ng kahalintulad na imbestigasyon na naglalayong walang palampasing detalye at walang anggulong palusutin sa pagpapalabas ng katotoha­nan sa likod ng nasabing alingasngas.

Ipinahiwatig ng dalawang mambabatas na walang sasantuhin sa ipinapanukala nilang imbestigasyon sa isyu ng bigas.

Maaa­ri umanong nagdulot ng pa­ngangailangan ng imbestigasyon ang mga balita hinggil sa pagtaas ng presyo ng bigas at mga katiwalian umano sa DA at sa importasyon ng bigas ng NFA.

Sinabi pa nila na kailangan ding ipaliwanag ng DA at ng NFA kung bakit hindi matamo ang target sa produksiyon ng bigas at hindi matiyak ang sapat at murang suplay nito.

Kaugnay naman ng resolusyon ni Sen. Loren Legarda na humihiling sa Senado na imbestiga­han ang sitwasyon ng bigas sa bansa, sinabi ni Senate Committee on Agriculture Chairman Cynthia Villar na isasagawa ang imbestigasyon sa linggong ito at isasama rin ang isyu ng pagpupuslit ng bigas at sibuyas.

AGRICULTURE CHAIRMAN CYNTHIA VILLAR

BIGAS

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FRANCISCO ASHLEY ACEDILLO

HOUSE OF REPRESENTATIVES

LOREN LEGARDA

NATIONAL FOOD AUTHORITY

REPRESENTATIVES GARY ALEJANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with