^

Bansa

Kaso vs Napoles maaantala

Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Maaantala ang pagsasampa ng kaso laban kay pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ka­ilangan na detalyado at organisado ang  kaso kaya binubusisi nila ang lahat ng supporting documentary evidences.

Bagama’t tukoy na nila ang mga dapat kasuhan ay patuloy na kumakalap ng ebidensya ang National Bureau of Investigation (NBI) para mas masuportahan ang testimonya ng mga testigo.

Naniniwala ang DOJ na may matitibay na ebi­densya laban kay Napoles pero wala anyang makapagsasabi kung ano ang balak ni Napoles sa isasampa nilang kaso. Ihahain nila ang kaso sa Ombudsman na siya namang magtutukoy kung sapat o hindi ang basehan sa kaso. 

Sakaling makulangan ito, maaaring ang Ombudsman na mismo ang magdagdag ng ebidensya dahil nagsasagawa rin ito ng imbestigasyon sa isyu ng pork barrel scam. Sakali namang sapat na ang ihahaing kaso ng DOJ, sisimulan ang preliminary investigation.

Bukod kay Napoles ay makakasama sa unang­ batch ng kakasuhan ang ilang mambabatas na hindi­ na niya pinangalanan.

vuukle comment

AYON

BAGAMA

BUKOD

IHAHAIN

JANET LIM-NAPOLES

JUSTICE SECRETARY LEILA

KASO

NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with