^

Bansa

Hospital arrest ni Napoles bahala ang korte

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Korte ang magdedesisyon kung dapat pagkalooban ng hospital arrest ang “utak” sa P10 bil­yong pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Ginawa ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang pa­ hayag sa gitna na rin ng pagdaing ni Napoles ng samut-saring karamdaman simula ng makulong ito kabilang ang anxiety attack, high blood pressure at diabetes.

Si Napoles ay inilipat sa Fort Sto Domingo, Sta Rosa, Laguna noong Agosto 31 mula Makati City Jail ilang araw naman matapos sumuko kay Pa­ngulong Aquino.

Una nang inihayag ni Roxas na hindi kinakaila­ngan ang hospital arrest ni Napoles na bantay sa­rado ng mahigit 300 Special Action Force (SAF) personnel sa loob ng Fort Sto. Domingo.

Kaugnay naman ng routine medical checkup dakong alas-10:30 ng umaga kay Napoles kahapon, sinabi ni Sindac na normal lamang ang resulta ng electro cardiogram (ECG) test nito.

Normal din ang blood pressure nito na 120/80  at blood glucose level na 123 mg/dl.

Inihayag pa ni Sindac na nag-almusal ng omelet­ na itlog at gisadong corned beef at kanin si Napoles habang sa pananghalian nito ay nilagang baboy at kanin.

Samantala, nagsampa kahapon ng paniba­gong mosyon ang mga abogado ni Napoles sa Makati RTC na layong ipagpaliban ang nakatakdang pagbasa ng sakdal sa kasong “se­rious illegal detention” sa dara­ting na Setyembre 9.

Sa 18-pahinang “urgent motion to defer arraignment and suspend proceedings” na isinampa ng Kapunan Law Office, hiniling ni Napoles na ipagpaliban ang kanyang arraignment dahil sa may mga mosyon pa silang na­kasampa sa korte at sa Court of Appeals.

 

COURT OF APPEALS

FORT STO

FORT STO DOMINGO

JANET LIM-NAPOLES

KAPUNAN LAW OFFICE

MAKATI CITY JAIL

NAPOLES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with