6 solons inginuso sa ‘pork’ scam
MANILA, Philippines - Anim na kongresista at 7 non-government organizations ang pinaÂngalanan ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na umano’y nakinabang sa pork barrel.
Sa ginanap na press conference sa Quezon City, ikinanta ni Alcala sina Congressmen Neil Benedict Montejo ng Leyte, Antonio Lagdameo ng Davao del Norte, Isidro Ungab ng Davao City, Scott Davies Lanete ng Masbate, Arnulfo Fuentebella ng CamSur at Reynaldo Umali ng Oriental Mindoro habang ang kopya ng mga NGO ay ipadadala raw ng ahensiya sa Office of Solicitor General upang ito na ang maghabol ng mga bogus NGO.
Tinaningan ni Alcala hanggang katapusan ng Setyembre ang binuong audit team para magreport sa kanya kaugnay ng ginagawang pagbusisi sa accredited NGOs na napagkalooban ng pondo mula sa pork barrel fund ng mga mambabatas.
Nais niyang malaman kung saan at kanino napunta ang P96-milyong pondo na nailaan ng ahensiya sa naturang NGOs.
Mismong si Pangulong Aquino ang nag-utos sa Office of the Government Corporate Counsel na pag-aralan ang abolition ng mga ahensyang sinasabing dawit sa pork scam na kinabibilangan ng Philforest, NatioÂnal Agribusiness Corp., Zamboanga del Norte Rubber Estate Corp., Technology Resources Center at National Livelihood Development Corp. Uunahin ni PNoy na buwagin ang Nabcor at ZREC.
Tiniyak naman ng Malacañang na walang dapat ikabahala ang mga empleyado ng GOCC’s na nakatakdang buwagin kung maayos naman ang kanilang performance sa trabaho. Magkakaroon ng assessment sa performance ng mga empleyado at ililipat sila sa government agencies na angkop ang kanilang qualifications. (Dagdag ulat ni Rudy Andal)
- Latest