P4.7 bilyon laan sa 13,000 bagong pulis
MANILA, Philippines - Kabuuang 4.7-bilyon ang inilaan ng Philippine National Police (PNP) para sa pagkuha ng mga bagong pulis na aabot sa 13,000.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon sa pagdinig ng P17.9 bilyon budget ng PNP, mahalagang itaas ang police visibility sa maraming lugar sa bansa upang maiwasan ang napakaraming krimen.
“Police visibility is critical to reducing crime volume especially in critical and risky areas,†sabi ni Drilon.
Sinabi ni PNP Director General Allan Purisima na kakailanganin ang 195,000 na pulis para sa 24-hour duty para magkaroon ng 1:500 police-to-population ratio o isang pulis na magbabantay sa bawat 500 mamamayan. Pero ngayon umano ay 145,501 lamang ang PNP personnel.
Lumabas din sa pagdinig na ang average na police-to-population ratio ay 1:645 pero sa kasalukuyang sitwasyon lalo na sa Metro Manila ang ratio ay 1:1,000 o isang pulis sa bawat 1,000 mamamayan.
Sa Western Police District ang ratio ay 1:1,159; sa Eastern Police District, 1:953; at sa Southern Police District ang ratio ay 1:1,217.
Kinalampag din ni Drilon si Purisima sa hindi pantay na distribusyon ng police force sa iba’t ibang siyudad sa Metro Manila.
Hiniling din ni Drilon sa PNP na tingnan ang manÂpower requirement at resolbahin ang hiring backlog na nagiging problema ng PNP sa matagal ng panahon.
Inihayag ni Drilon na sa bagong budget na ibibigay para sa pagkuha ng mga bagong pulis ay magkakaroon na ng 1:500 na police-to-population ratio.
- Latest