^

Bansa

Taguig umapela sa CA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naghain na ng Motion for Reconsideration ang pamahalaang lokal ng Taguig sa Court of Appeals (CA) at muling iginiit na ang Fort Bonifacio ay pag-aari ng lungsod at hindi sa Makati.

“We will not stop, Taguig will exhaust all legal remedies available to assert our ownership of Fort Bonifacio. We have asked the CA to reconsider its previous ruling and I am confident that we will be vindicated in the end,” ani Mayor Lani Cayetano.

Muli ring nanawagan si Mayor Lani kay CA associate justice Marlene Gonzales-Sison na siyang ponente ng desisyon na mag-inhibit na mula sa kaso dahil sa pagiging malapit ng asawa nito kay Vice President Jejomar Binay, na noo’y nakipaglaban upang mapunta sa Makati ang Fort Bonifacio nang siya ay maging mayor ng naturang lungsod.

“We should not allow a cloud of doubt loom over the CA’s impartiality in deciding this case,” diin ng alkalde.

Sa inihaing MR ng Taguig, iginiit nito na ang lungsod ang may sakop sa pinag-aagawang teritoryo at ang “claim of ownership” nito ay mas may basehan kaysa sa Makati.

“Taguig’s claim has the backing of history – it precedes Makati as a political and corporate entity by decades. Taguig’s claim has the weight of official authority behind it – in statutes, in proclamations, in public documents – while Makati can only rely on private writings and proclamations that expand the original terms of that which it sought to amend,” ayon sa nakasaad sa mosyon.

Makailang beses na rin na naipaliwanag ni Mayor Lani na nakapagprisinta na ang Taguig ng mga opisyal na dokumento, mapa at sarbey upang patunayan ang pag-aari nito sa Fort Bonifacio sa Pasig RTC na dininig ang kaso ng halos 20-taon bago nagdesisyon  sa pabor ng Taguig.

Matapos lamang ang wala pang isa’t kalahating taon, nagdesisyon naman ang CA pabor sa Makati.

“It is a judgment on how we value words written in statutes and proclamations vis-à-vis private writings. It is a choice between giving life to the written word or robbing it of its meaning.” Makakaapekto rin ito sa mga plano ng mga negosyong naka-base sa BGC dahil di maikakaila na mas mababa ang mga buwis na binabayaran sa Taguig kaysa sa Makati.

Malaking bahagi ng pondo ng Taguig na umaabot sa halos P5 bilyon ay mula sa BGC, na sumusuporta sa mga serbisyong bayan sa 28 na barangay ng siyudad, partikular na sa edukasyon at kalusugan.

Dito aniya galing ang perang ipinangtutustos sa edukasyon ng higit 20,000 na iskolar ng Taguig sa ilalim ng P300-million na scholarship program, habang may 10,000 college students sa Taguig City University ang libre ang tuition.

COURT OF APPEALS

FORT BONIFACIO

MAKATI

MARLENE GONZALES-SISON

MAYOR LANI

MAYOR LANI CAYETANO

TAGUIG

TAGUIG CITY UNIVERSITY

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with