TransLuzon tatapusin
MANILA, Philippines - Ang panukalang US$2.5 bilyong Philippine National Railways (PNR) Integrated Luzon Project ay malapit nang magkaroon ng katuparan. Ang “feasibility study†para dito ay sisimulan agad at tatapusin ngayong taong ito. Tungo sa kaganapan nito, nakikiÂpag-ugnayan ang Bicol Regional Development Council (RDC) na pinamumunuan ni Albay Gov. Joey Salceda sa Public-Private Partnership Center of the Philippines at tutulong din ito sa isang Canadian Consultancy firm sa pagkalap ng mga impormasyon lalo na sa sector ng Bicol para sa gagawing balangkas ng proyekto. Pinamunuan ni Salceda ang isang national railways summit sa Maynila noong Hunyo kung saan malinaw niyang inilahad ang mga benipisyo ng isang modernong “Bicol Express†at “Mayon Limited,†ang serbisyo ng tren na mag-uugnay sa Manila, Katimugang Tagalog at Bicol.
- Latest