^

Bansa

‘Beef’ ipalit sa Pork’- Recto

Marvin Sy - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines - Tatawagin nang ‘beef barrel’ sa halip na ‘pork barrel’ ang kontrobersiyal na priority development assistant fund.

Ito ay kung masusunod ang ipinapanukala ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto kaugnay ng mga protesta laban sa PDAF na mas kilala sa taguring pork barrel.  Kamakailan ay ibinasura ni Pangulong Aquino ang PDAF dahil sa anomalya at mga protesta laban dito. 

Pero, dahil sa mga protesta sa pork barrel, nagkaroon umano ng problema sa isang P26 billion item sa General Appropriations Act o pambansang badyet na nakalaan sa mga miyembro ng Kongreso, Ito ay saan ilalagay ang pondong ito.

Kaugnay nito, iminumungkahi ni Recto na ang mala­king bahagi ng P26 bilyon ay i-realign o ilagay sa tinatawag niyang BEEF o basic education enhancement fund na ayon sa kanya ay tutugon sa mga kakulangan sa sektor ng edukasyon.

Sinabi pa ni Recto na kailangang maghanap ang Kongreso ng paraan para i-‘realign’ ang PDAF sa mga eskuwelahan, computer, laboratory equipment at kahit kusina na magsisilbi ng pagkain sa mga malnourished pupil.  

Idiniin ng senador na marami sa sektor ng edukasyon ang malaki ang kakulangan na kailangang tugunan. Inihalimbawa niya ang datos ng Department of Education na kalahati ng 38,503 public elementary school ang walang computer. Kapos din anya ang mga eskuwelahan sa mga math at science laboratories. Bukod din anya ang malnourishment ng maraming batang mag-aaral at ang kulangan ng libraries at classroom.

“Mabubura ito sa binagong PDAF. Kaya kapag tinanong ng mga taxpayer ang Kongreso, nasaan ang pork? Makakasagot ito, narito ang BEEF,” sabi pa ni Recto.

 

BUKOD

DEPARTMENT OF EDUCATION

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

IDINIIN

KONGRESO

PANGULONG AQUINO

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE RALPH RECTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with