Whistle blowers ng PDAF pahaharapin sa Senado
MANILA, Philippines - Nais ni Senator Francis “Chiz†Escudero na imbitahan din ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga whistle blowers ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam na iimbestigahan na ngayon ng komite.
Balak ni Escudero na hilingin sa komite na mag-imbita pa ng mas maraming testigo upang magbigay linaw sa isyu at alegasyon ng hindi tamang paggamit ng pork barrel funds.
Inaasahang mga opisyal pa lamang ng Commission on Audit (COA) ang haharap ngayon sa imbestigasyon ng komite.
Sinabi ni Escudero na tanging sa telebisyon o media lamang napapanood ang sinasabi ng mga whistle bloÂwers at mas makakabuting paharapin rin sila sa pagdinig.
Kabilang sa mga gustong ipatawag ang mga kinatawan ng National Agribusiness Corp (NABCOR), Technology Resource Center (TRC), National Livelihood Development Corp. (NLDC), Zamboanga del Norte Rubber Estate Corp. (ZREC) at Philippine Forest Corp. (PhilForest).
Kabilang ang mga nasabing ahensiya sa sinasabing nabigyan ng PDAF na katulad ng mga naibigay sa mga non-government organizations.
Naniniwala si Escudero na mas magiging bukas sa publiko ang isyu ng pork barrel sa gagawing imÂbestigasyon ng Senado lalo pa’t panunumpaan ng lahat ng testigo ang kanilang magiging testimonya.
- Latest