Make-up classes,pinaplantsa na ng DepEd
MANILA, Philippines - Pinaplantsa na ng Department of Education (DepEd) ang pagdaraos ng make-up classes sa mga paaralang naapektuhan ng Habagat na pinaigting ng Bagyong Maring kamakailan at may isang linggong nawalan ng pasok.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali, pinag-aaralan na ng kanilang kagawaran, gayundin ng mga school official ang gagawing sistema sa planong make-up classes, alinsunod aniya sa kautusan ni Education Secretary Armin Luistro.
Posible aniyang isagawa ang make-up classes sa araw ng Sabado o di kaya’y mag-extend na lamang ng oras ng klase sa weekdays o mag-uwi na lamang ng home modules.
“Si kalihim Armin Luistro ay nag-utos na po na dapat ang ating mga school principals ay nag-uusap para gumawa ng plano sa poÂsibleng pagkakaroon ng make-up classes tuwing Sabado at maaari rin itong gawin na mag-extend sila ng class hours during weekdays,†ani Umali.
Iginiit pa ni Umali na kailangan ang make-up classes upang punuan at masunod ang 180-non-negotiable teacher-student contact time sa paaralan.
Ilan sa mga tinukoy na lugar ni Umali na dapat magsagawa ng make-up class ay Malabon, Marikina, Taguig, Valenzuela at Parañaque na nagkaroon ng suspensyon ng klase o kaya ay ginawang evacuation center ang mga eskuwelahan.
- Latest