Death anniversary ni Ninoy ginunita
MANILA, Philippines - Hindi napigilan ng patuloy na nararanasang sama ng panahon ang paggunita ng pamilya Aquino sa anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy†Aquino sa puntod nito sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.
Dakong ala-1:00 ng hapon nang sabay-sabay na bumisita sa puntod ng kanilang mga magulang ang magkakapatid na Balsy Cruz, Pinky Abellada, Viel Aquino Dee at si Kris Aquino na pawang mga nakasuot ng kulay dilaw na damit.
Hindi naman nakadalo si Pangulong Noynoy Aquino sa puntod ng kanyang mga magulang dahil sa pangunguna sa relief operation sa Laguna at Mandaluyong City at isinagawang “press conference†kaugnay ng kalamidad.
Taimtim na nag-roÂsaryo ang magkakapatid sa puntod ng ama at inang si dating Pangulong Corazon Aquino na pinalibutan sa nakagawiang dilaw at puting mga bulaklak.
Matapos dumalaw ang magkakapatid, nagtungo ang mga ito sa mga biktima na nasalanta ng bagyong “Maring†sa nasabing lungsod at namahagi ng mga relief goods sa Parañaque City kasama si Mayor Edwin Olivarez.
- Latest