Alert level 4 sa Egypt. 6,000 Pinoy sapilitang ililikas
MANILA, Philippines - Delikado na ang sitwasyon ng may 6,000 Pinoy sa Egypt kaya nagpatupad na kahapon ang pamahalaan ng crisis alert level 4 o mandatory evacuation sa nasabing bansa.
Matapos ang ginawang pagtaya ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na personal na bumisita sa pangalawang pagkakataon sa Egypt, itinaas ang crisis situation para sa libu-libong Pinoy upang agad na magsilikas sa Egypt.
Sinimulan ang pagpapatupad ng mandatory evacuation nitong Agosto 19 at pinapayuhan ang mga Pinoy na agad na makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Cairo para maiproseso ang kanilang agarang pag-uwi sa Pilipinas.
Sa ilalim ng alert level 4, popondohan ng pamahalaan sa pamamagitan ng DFA ang gagawing paglilikas sa mga Pinoy sa Egypt.
Ayon kay del Rosario, nasaksihan niya ang patuloy na karahasan sa Cairo na lubhang mapanganib na para sa mga kababaÂyang overseas Filipino workers doon.
Nabatid na nasa Cairo na rin ang Rapid Response Team (RRT) ng DFA matapos na tumulak doon noong Agosto 17 upang mag-asiste sa Embahada sa implementasyon ng repatriation program ng gobyerno.
Samantala, binisita ni del Rosario ang isang Filipino-Egyptian na suÂgatan matapos na taÂmaan ng ligaw na bala habang nagkakaroon ng bakbakan malapit sa kanyang tirahan sa Helwan noong Agosto 14. Ang biktima ay nasa maayos na umanong kalagayan mula sa tinamong tama ng bala sa kanang balikat.
- Latest