^

Bansa

Cavite isinailalim sa State of Calamity

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang  Cavite  at Laguna ang siyang matin­ding naapektuhan nang matinding pagtaas ng tubig dala ng habagat at bagyong si Maring.  

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) CALABARZON Director Vicente Tomazar, daang pamilya ang inilikas sa mga bayang apektado ng mga pagbaha habang marami ring mga kalsada ang hindi madaanan ng maliliit na behikulo.

Ayon kay Tomazar, partikular na apektado ng mga pagbaha sa Cavite ang mga bayan ng Tanza, Rosario, Imus, Bacoor, Noveleta at Carmona.

Kasabay nito, ayon kay Tomazar ay isinailalim na ni Cavite Go­vernor Johnvic Remulla sa state of calamity ang buong lalawigan ng Cavite matapos na 90% ng mga bayan dito ay lumubog sa tubig baha. Sa lalawigan ng Laguna ay inilagay rin sa state of calamity ang lungsod ng Sta. Rosa at Biñan gayundin ang San Pedro na apektado ng mga pagbaha.

Nabatid na ang naturang mga lugar sa lalawigan ng Laguna ay dumanas ng hanggang tuhod at hanggang dibdib na mga pagbaha kung saan marami sa mga residente ay na-trap sa kanilang mga ta­hanan.

AYON

CAVITE

CAVITE GO

DIRECTOR VICENTE TOMAZAR

JOHNVIC REMULLA

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

SAN PEDRO

TOMAZAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with