6,000 Pinoy sa Egypt pinalilikas
MANILA, Philippines - Idineklara na kahapon ng pamahalaan ang crisis alert level 3 para sa may 6,000 Pinoy sa Egypt.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez sa ilalim ng alert level 3, boluntaryo ang paglilikas sa mga Pinoy na nangangahulugan na hindi pa aakuin ng pamahalaan ang gastusin sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas. Pinagbabawalan din ang mga Pinoy na tumungo sa mga matatao at magugulong lugar, maging mapagbantay at inaatasang manatili sa ligtas na lugar o sa kanilang bahay.
Bukod sa voluntary repatriation, sinuspinde ang pagpapadala ng mga bagong OFWs sa Egypt. Maging sa mga nagbabakasyon na manggagawa at sa mga asawang Pinoy ng mga Egyptian nationals, Islamic University students at kanilang mga anak ay suspindido din ang pagtungo sa Egypt.
Sa huling sagupaan sa Cairo at iba pang siyudad sa Egypt, umaabot sa 235 katao ang patay kabilang ang 43 Egyptian police habang may 2,000 ang sugatan nang magkasagupa ang mga tagasuporta ng pinatalsik na si Egyptian President Mohammed Mursi at Egypt security forces.
- Latest