Napoles, utol tugis ng NBI
MANILA, Philippines - Bigong maaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles at kapatid na si Reynald “Jojo†Lim kaugnay sa inisyung warrant of arrest ng Makati Regional Trial Court Branch 150 sa kasong serious illegal detention na isinampa laban sa kanila ni Benhur Luy noong Disyembre 2012.
Ayon kay NBI spokesman Cecilio Zamora, apat na team ng NBI ang naghanap sa magkapatid na Napoles para isilbi ang warrant of arrest kamakalawa ng gabi.
Nabatid kay NBI Director Nonnatus Rojas na ang magkapatid ay hindi natagpuan sa mga address nito sa Muntinlupa, Ayala, Makati, Taguig at iba pa.
Tiniyak naman ni Rojas na nasa bansa pa rin ang dalawa dahil na rin sa umiiral na bulletin watch sa Bureau of Immigration, sa kautusan ni Justice Secretary Leila de Lima.
Nakaalerto na umano ang mga exit points sa bansa, lalo’t maaaÂring arestuhin on-site ang magkapatid.
Ang arrest warrant sa kasong non-bailable tulad ng serious illegal detention na kinasasangkutan ng magkapatid ay katumbas ng epekto ng hold departure order kung saan awtomatikong hindi siya maaaring makalabas ng Pilipinas.
- Latest