^

Bansa

Tangkang pambobombang muli, nasilat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasilat ang muling pagpapasabog sa Cotabato City matapos na matagpuan ang tatlong bomba may ilang metro ang layo sa city hall kamakalawa ng gabi.

Ito’y sa gitna na rin ng hindi pa nakakabangon ang nasabing lungsod sa malagim na epekto ng car bombing noong Agosto 5 na pumatay sa 8-katao habang 30 iba pa ang nasugatan.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Rolen Balquin, na nakarating sa Camp Crame,  bandang alas-10 ng gabi nang matagpuan ang tatlong bomba na isinako saka itinapon sa Malagapas Dumpsite sa Barangay Rosary Heights 10.

Agad namang rumes­ponde ang pinagsanib na puwersa ng pulisya at ng Philippine Marines  kung saan narekober ang dalawang bomba na gawa sa 60mm habang ang isa pa ay gawa 81mm mortar na may cartridge na cell phone.

Pinaniniwalaang napilitan ang mga bomber na abandonahin ang mga bomba sa dumpsite dahil sa pinaigting na presensya ng pulisya at militar sa nasabing lungsod bunga ng pambobomba noong Agosto 5.

Inihayag ng opisyal na ang lugar na pinaglag­yan sa narekober na bomba ay may ilang metro lamang ang layo sa People’s Palace ng Cotabato City Hall.

AGOSTO

BARANGAY ROSARY HEIGHTS

CAMP CRAME

COTABATO CITY

COTABATO CITY HALL

MALAGAPAS DUMPSITE

PHILIPPINE MARINES

ROLEN BALQUIN

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with