Bagyong Kiko pumasok na sa Pinas
MANILA, Philippines - Isa nang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa may west Philippine sea.
Alas-4:00 ng hapon kahapon, ang bagyo na binigyan ng pangalang Kiko ay namataan sa layong 280 kilometro ng hilagang kanluran ng Puerto Princesa City o nasa layong 320 kilometro kanluran ng Coron, Palawan taglay ang lakas ng hanging 55 kilometro malapit sa gitna.
Si Kiko ay patuloy ang pagkilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Bunsod nito, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon gayundin ang buong Mindanao ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may manaka-nakang pag-uulan.
Patuloy namang makakaranas ng isolated rainshowers o thunderstorms ang Visayas.
- Latest